“Sorry”.
Bakit ba ang hirap sabihin ng isang maiksing salitang ito na
mayroong 5 letra?
May iba na nagsosorry ng labas sa ilong nila, may iba naman
na nagsosorry nga pero laging may kasunod na, “e kasi ikaw e,” “e kasi ganito
e”, E kasi ganyan e” palaging laging mayroong sinisisi.
Hindi madali para sa karamihan na sabihing “sorry, it’s my
fault ” “sorry, mali ako”, “sorry, kasalanan ko, hindi ko dapat ginawa yun.”
“Sorry”
Nagsosorry sila (kunwari di ako kasali) para matapos lang
yung issue.
Nagsosorry sila kahit hindi naman nila nararamdaman.
O Sadya lang sigurong
may mga taong ganun. Insensitiv kung baga. Hindi nila nararamdaman na nakakasakit
na sila kaya bakit sila magsosorry? Kung mag sosorry man sila yun ay dahil
tawag lang ng pangangailangan. Matapos lang ang alitan.
May mga tao namang
sobrang sensitive kaunting kibot, masasaktan, kaunting tukso magmumokmok.
Pero bakit nga ba may salitang sorry?
Sabi nga sa isang teleseryeng aking napanuod, para saan pa
raw ang pulis kung pwede namang humingi ng sorry sa bawat kasalanan.
POINT?
Ang sorry para lang sa mga taong nanakit ng hiindi nila
sinasadya,
Halimbawa, naapakan ko ang paa mo, yan pwede magsorry.
Halimbawa, nakalimutan kong gawin ang pinapagawa ng nanay
ko, yan pwede akong mag sorry.
Halimbawa, nasira ko ang cellphone mo, pwede akong mag
sorry.
Ito naman ang mga hindi katanggap tanggap na hingan ng
sorry.
Halimbawa, sinaktan mo ako dahil nagsinungaling ka sa akin.
(ang kapal ng mukha mo ha**p ka)
Halimbawa, nahuli kitang nakikipaghalikan habang syota mo
ako (ay talagang napaka-kapal ng mukha mo at talagang ha**p ka talaga)
At,
Haimbawa, ninakaw mo ang lollipop kong nasa bulsa ko lang
(ay sobra talagang napaka- kapal ng mukha mo, at sobra talagang talagang napaka
ha**p mo naman)
Ang sorry karapat dapat lang yan kung ang kasalanan ay hindi
sinadyang gawin, samantala ang hindi karapat dapat na hingan ng sorry ay yung
mga bagay na pwede namang pigilang gawin pero ginawa parin kahit na alam naman
niyang makakasakit sya.
Kaya’t…
Wag masyadong kapalan ang mukha para humingi ng sorry kung
ang ginawa mong kasalanan ay intentional mong ginawa. Wag ganun tol.
J