Biyernes, Enero 3, 2014

ABRUPT CHANGE

Naranasan mo na bang gumising ng maaga, na ang gaan-gaan ng pakiramdam mo? Hindi dahil nakaamoy ka ng white flower o kaya nakapaglagay ka ng vicks sa ilalim ng ilong mo. Yung pakiramdam na ang peaceful at refreshing hindi dahil nakakarinig ka ng mga kuliglig, at nakakaamoy ka ng car freshener. Pero ang malupit, yung kukuha ka agad ng libro, tapos babasahin mo agad, hindi dahil may exam ka mamaya o oral recitation ka. Yung pakiramdam na dahil maaga kang nagising, gagawa ka ng breakfast hindi dahil gutom ka at hindi ka nakakain kagabi kaya gusto mo na agad kumain. Maliligo ka habang kumakanta at itataas mo pa ang mga kamay mo na parang nagkokonsyerto sa araneta, at may pag pikit pikit pa ng mga mata. Sasabunin mo ang buong mong katawan na tila ba ayaw mong may matirang dumi sa katawan mo kahit isa, yung tipong pati taling mo dahil kulay itim, gusto mo ring alisin. Yung maglilinis ka ng buong bahay habang mahimbing pang natutulog ang mga kasama mo at nakikita mong tulo laway pa sila. Yung magkakape ka tapos maiispan mong maglaba, hindi dahil gusto mong isuot ang paborito mong damit na nasa labahan pa o dahil wala ka na talagang maisuot.

Yung pakiramdam na masaya ka.

Masaya kang gumigising.

Masaya kang nagluluto. 

Masaya kang naglilinis ng bahay.

Masaya kang naglalaba. 

At higit sa lahat, 

Masaya kang napapagod para sa iba. 
Hindi mo alam kung bakit.
 

Parang kaplastikan sa pandinig mo, pero masarap sa pakiramdam pakingan ang sarili ko. 

Tulad mo, tulad ng iba na katulad niya, katulad nila, at katulad pa ng marami pang iba, ako ay naging katulad na katulad niyo rin. 

*late tayo gumising. Nag-alarm ka na, I a-udjust mo pa.
*ayaw nating iniestorbo ang tulog natin.
*gusto lang nating kumain, paggising natin.
*ayaw nating maghugas ng pinggan, Badtrip kaya yun. Mamaya nalang
*nakakainis magbasa pagkagising na pagkagising mo palang,magkakape muna tayo, o milk (para sa mga katulad nating mayayaman)
*ayaw nating maglaba. Maglalaba lang tayo kapag wala ng maisuot. O kaya si mama nalang maglalaba.
*at higit sa lahat, mahilig tayong mag reklamo. ANO BA YAN! 

Pupusta ako, (hahaha, magsusugal pa) basta, ito ang masasabi ko.
Walang araw na hindi ka nagreklamo sa buhay mo. 

Pagising palang, “ano ba yan, natutulog pa ang tao e” 5 minutes pa.
“itlog na naman ang ulam?”
“ako na naman ang maghuhugas ng pinggan?”
Sa pagligo, “ang lamig naman” grrrrr.
Sa jeep, “traffic na nga, siksikan pa” (insert bad words)!!!” 

Kahit saang lugar, nagrereklamo tayo. Pero naisip ba natin ang mga taong dapat na nagrereklamo?

Ikaw? Reklamo ka? 

Araw-araw gumigising ka sa malambot mong kama, naisip mo ba ang mga taong natutulog sa kalsada? Ikaw, may pinggan ka na pinagkakainan, naisip mo ba ang mga taong walang pagkain, ikaw nakakaligo ka sa malinis na tubig, naisip mo ba ang mga taong gustong-gusto nang maligo at naiirita na sa amoy ng katawan nila? ikaw na nakakasakay sa jeep, at nagrereklamo, naisip mo ba ang mga taong pangarap ang makasakay sa jeep? 

Lahat ng bagay, maganda man o mabuti, hinahanapan natin ng dahilan para ayawan ito. Hindi tayo marunong mag appreciate ng maliliit na bagay na meron tayo. Hindi natin nakikita kung gaano tayo ka swerte dahil tayo, Meron tayong food, may home, basic needs baga. Itong computer, Camera, iphone, tablet, at iba pang mga gadgets, bonus nalang to. 

Kaya ikaw, kung gusto mong maexperience ang abrupt change na naexperience ko, itext mo lang ako. Ipapakilala kita sa Kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento