Miyerkules, Enero 29, 2014

SORRY PO,

“Sorry”.
Bakit ba ang hirap sabihin ng isang maiksing salitang ito na mayroong 5 letra?
May iba na nagsosorry ng labas sa ilong nila, may iba naman na nagsosorry nga pero laging may kasunod na, “e kasi ikaw e,” “e kasi ganito e”, E kasi ganyan e” palaging laging mayroong sinisisi.
Hindi madali para sa karamihan na sabihing “sorry, it’s my fault ” “sorry, mali ako”, “sorry, kasalanan ko, hindi ko dapat ginawa yun.” “Sorry”
Nagsosorry sila (kunwari di ako kasali) para matapos lang yung issue.
Nagsosorry sila kahit hindi naman nila nararamdaman.
 O Sadya lang sigurong may mga taong ganun. Insensitiv kung baga. Hindi nila nararamdaman na nakakasakit na sila kaya bakit sila magsosorry? Kung mag sosorry man sila yun ay dahil tawag lang ng pangangailangan. Matapos lang ang alitan.
 May mga tao namang sobrang sensitive kaunting kibot, masasaktan, kaunting tukso magmumokmok.
Pero bakit nga ba may salitang sorry?
Sabi nga sa isang teleseryeng aking napanuod, para saan pa raw ang pulis kung pwede namang humingi ng sorry sa bawat kasalanan.
POINT?
Ang sorry para lang sa mga taong nanakit ng hiindi nila sinasadya,
Halimbawa, naapakan ko ang paa mo, yan pwede magsorry.
Halimbawa, nakalimutan kong gawin ang pinapagawa ng nanay ko, yan pwede akong mag sorry.
Halimbawa, nasira ko ang cellphone mo, pwede akong mag sorry.
Ito naman ang mga hindi katanggap tanggap na hingan ng sorry.
Halimbawa, sinaktan mo ako dahil nagsinungaling ka sa akin. (ang kapal ng mukha mo ha**p ka)
Halimbawa, nahuli kitang nakikipaghalikan habang syota mo ako (ay talagang napaka-kapal ng mukha mo at talagang ha**p ka talaga)
At,
Haimbawa, ninakaw mo ang lollipop kong nasa bulsa ko lang (ay sobra talagang napaka- kapal ng mukha mo, at sobra talagang talagang napaka ha**p mo naman)

Ang sorry karapat dapat lang yan kung ang kasalanan ay hindi sinadyang gawin, samantala ang hindi karapat dapat na hingan ng sorry ay yung mga bagay na pwede namang pigilang gawin pero ginawa parin kahit na alam naman niyang makakasakit sya.
Kaya’t…
Wag masyadong kapalan ang mukha para humingi ng sorry kung ang ginawa mong kasalanan ay intentional mong ginawa. Wag ganun tol.

J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento